top of page
IMG_20210112_111641(1)_edited.jpg

Batas at Kalamidad:

Mga Kuwento ng Magsasakang Pilipino

Testimonial 2: Text

'Pag ikaw yung nag-produce, malaki na ho yung presyo na kukunin ng middleman dahil sinasakyan pa ‘yun ng trader eh. Pero pag direct sana—yung hindi na dadaan sa middle man—maaangat po natin yung magsasaka. Dun sa pag-direct sa NFA na 19.00 per kilo... kaso pag nasa middleman, kukunin lang ho nila ng 12 o 13 pesos. So paano makakaahon ang magsasaka, eh, wala na po sa fertilizer, sa mga lason, tapos binhi.

Harly de los Reyes, PATANOM Credit Cooperative

Testimonial 2: Quote

Ang Batas ng Lupa

Si Mr. Harly De los Reyes ay isang 27 taong gulang na young farmer mula sa Iloilo. Sa kasalukuyan, nasa ika-tatlong taon na siyang nagsisilbi bilang coach sa kanyang komunidad at kooperatiba. Ang kanyang tungkulin ay ang pag-monitor ng produksyon ng pananim at ang pag-ani nito. Para kay Mr. De los Reyes, importante na pag-iba-ibahin ang inaani ng Pilipinong magsasaka bilang daan tungo sa pag-ahon mula sa kahirapan. 

 

Ayon kay Mr. De los Reyes, ang mga patakaran tulad ng Rice Tariffication Law ay nagsisilbi bilang karagdagang hamon sa pag-unlad ng agrikultura, at tinutulak nito ang magsasakang Pilipino sa laylayan. Lalong bumaba ang presyo ng lokal na palay dahil sa liberalisasyon nito, at ang porsyento ng middleman ay nagreresulta lamang sa kakulangan sa kinikita ng mga magsasaka. Bukod dito, bagaman may mga programa ang pamahalaan na nakatuon sa pagtulong sa mga Pilipinong magsasaka, hindi ito naipapatupad ng maayos. Isang halimbawa nito ay ang pagbigay ng pamahalaan ng libreng binhi sa mga magsasaka, ngunit nagkulang sila sa pagturo kung paano ito inaani. 

Testimonial 2: Text
Testimonial 2: Quote

Kami pong mga maliliit na magsasaka ang sobrang naaapektuhan kasi yung mga nakikinabang lamang diyan ay ang mga negosyante gaya ng mga malalaking nag-aangkat ng bigas. Bumababa po yung aming presyo ng palay dito.

Erick Clavero, BANASI Young Farmers Association

IMG_20201223_155836.jpg

Isang magsasaka ng palay at mais ang 29-anyos na si Mr. Erick Clavero. Nang tanungin siya kung naapektuhan ba siya ng nakalipas na bagyo, ibinahagi niya na humiram pa ang mga miyembro ng kaniyang komunidad para sa kanilang kapital. Dahil dito, hindi lamang nasira ang kanilang aanihin, sila rin ay naging nalubog sa utang. 

 

Ayon kay Mr. Clavero, ang pinaka-naapektuhan ng mga batas tulad ng Rice Tariffication Law ay ang mga magsasaka, habang ang mga malalaking negosyo ay hindi naapektuhan o kaya ay nakikinabang lamang mula sa kahirapan ng mga magsasaka. Para sa kanila, ang mga kahihinatnan na ito ay nakakakilabot. 

 

Bukod pa rito, sabi ni Mr. Clavero na may mga proseso ang pamahalaan na humahadlang sa pagbibigay ng ayuda. Kadalasan ay kaunting magsasaka lamang ang nakakaalam sa mga prosesong ito. Nakatanggap siya ng binhi mula sa pamahalaan ngunit hindi pa rin siya nakatanggap ng pinansyal na ayuda.

Testimonial 2: Text

Doon po sa nagdaang bagyo, sobra po talagang naapektuhan ang agrikultura, lalung-lalo na dito sa amin. Marami po—yung mga pananim po namin na sana'y inaasahan po namin na aanihin at kikita kami doon, sinira po ng nagdaang mga bagyo—yung tatlong sunod na bagyo. 


Tapos yung mga naipundar po namin, tulad po doon sa amin—yung sa babuyin namin, nasira po yung tirahan ng baboy. Tapos yung iba pa po naming mga pananim talaga po wala na po talaga na-ani.

Russel Zolas Deocariza, Golden Parauma Agriculture Cooperative

Sa Pagitan ng Kagipitan at Sakuna

Si Mr. Russel Zolas Deocariza ay isang 19-anyos na young farmer mula sa Pamplona, Camarines Sur. Sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbing presidente ng isang youth organization sa pangalan ng Golden Parauma Agriculture Cooperative at chairperson ng young farmers community. 

 

Bilang isang magsasaka, ukol niya na “Dito po kami binuhay ng aming mga magulang. Siyempre po, masaya rin po kami na ganoon po ang ginagawa namin kasi po, kung baga, masaya po kami sa pagsasaka. Kasi alam po namin na kahit mahirap ang ganitong klaseng trabaho, alam po namin na marami po kaming natutulungan.”

 

Ngunit, dahil sa nakaraang mga bagyo, nawasak ang ani ng kanyang komunidad, at kasama rito ang kanilang inaasahang kita.

150150991_466832394471511_84232734761090
bottom of page